(Target buksan ng DA) 650 PANG KADIWA OUTLETS

Palalawigin ng Department of Agriculture (DA) ang operasyon ng Kadiwa ng Pangulo program sa  Visayas at  Mindanao sa target na pagbubukas ng 650 na stores pa nito mula Setyembre bilang bahagi ng plano na palawakin ang network nito upang mas maraming Pilipino ang maabot ng abot kayang bigas at iba pang produkto na ngayon ay naibebenta sa piling lugar sa Metro Manila at  Luzon.

“We expect to have at least 60 Kadiwa ng Pangulo stores across the country next month to provide more Filipinos with greater access to affordably-priced agricultural products, including the P29 per kilo rice intended for vulne­rable sectors,” sabi Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr.

 Ang pinakalayunin aniya ng naturang Kadiwa ng Pangulo program ay magkaroon ng kahit isang store sa 1,500 na munisipalidad sa bansa.

Bukod sa pagtulong sa costumers, layunin din ng programa na mapaigi ang kabuhayan ng farmers’ cooperatives at associations at ang  ready market kung saan direkta nilang maibebenta ang kanilang mga produkto ,ayon kay Laurel.

 Sabi ni Laurel, ang DA ay magkakaroon ng kolaborasyon sa mga pribadong sektor upang maabot nito ang target nilang tulungan sa panahon ng administrasyon ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. “We have identified at least 650 sites for the Kadiwa ng Pangulo stores. But for us to reach the 1,500 target we need to open at least one store a day, which is almost impossible that’s why we need the private sector’s collaboration in this project,” sabi niya.

Ang DA ay kasalukuyan din nakikipag-usap sa ilang Department of Agriculture food manufacturers  na maaaring mag-supply ng Kadiwa n stores ng mga basic goods, kabilang ang mga de lata, mantika at ibang condiments, at sariwang isda at poultry products.

“We’re also talking to manufacturers of other basic goods like condiments, sugar and canned goods to help ease the financial challenges of Filipinos and actualize President Marcos’ vision to provide every Filipino family with affordably-priced food on their table,” sabi niya.

Ma. Luisa Macabuhay-Garcia