(Target ipalabas ngayong Enero)FERTILIZER SUBSIDY SA FARMERS

Department of Agriculture-2

UMAASA ang Department of Agriculture (DA) na maipalalabas ang P6,600 fertilizer subsidy sa mga magsasaka ngayong buwan.

Ayon sa DA, hinihintay na lamang nila ang approval ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“‘Yung atin pong ibinibigay po ngayon na abono na P6,600 per hectare sa atin pong mga magsasaka, ‘yan po ay hindi pa po natin [ma]implement,” wika ni DA deputy spokesperson Assistant Secretary Rex Estoperez sa isang televised public briefing.

“This January we’re expecting itong, dry season po, maipatupad po natin ‘yan,” dagdag pa niya.

Hindi agad naipatupad ng DA ang programa dahil ang kabuuang budget para sa P6,600 fertilizer subsidy kada ektarya ay lumagpas sa pinapayagang budget na maaaring ipalabas ng regional directors.

Dahil dito, sinabi ni Estoperez na ang programa ay nangangailangan ng pag-aproba ng Pangulo.

Sa sandaling aprubahan, ang DA ay babalangkas ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng programa.