(Target makumpleto sa pagtatapos ng 2021) BAKUNA SA SEAFARERS

UNTI-UNTI nang bumabalik ang trabaho para sa mga seafarer makaraang mabakunahan ang mga ito kontra COVID-19,  ayon sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).

Mula sa 470,000 noong 2019 ay bumagsak sa 252,000 ang bilang ng mga Pilipinong marino noong 2020 magmula nang pumutok ang pandemya

“But at the growing rate, the national and local government units are now vaccinating our seafarers, we are optimistic that we can reach our target number of Filipino seafarers completely vaccinated and ready for redeployment by the end of 2021. We will continue to work with the national and local governments to provide more jabs for our seafarers in their vaccination program,” wika ni TUCP President at Partylist Rep. Raymond Mendoza.

Nagpasalamat si Mendoza kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro dahil sa pagbabakuna sa 300 miyembro ng Associated Philippine Seafarers’ Union (APSU) at Associated Maritime Officers’ and Seamen’s Union of the Philippines (AMOSUP).

Ang pagbabakuna na ginanap sa Marikina Sports Center ay sa koordinasyon sa pagitan ng mga unyon ng marino na APSU, AMOSUP at ng Joint Manning Group (JMG) sa pamahalaang lungsod.

Sinabi ni Mendoza na bago ang pandemya, ang bansa ay nagde-deploy ng average na 400,000 Filipino seafarers kada taon upang magtrabaho sa 51,400 merchant ships sa buong mundo.

Ayon sa International Transport Workers Federation (ITF), ang mga Pilipinong seafarer ang “backbone” ng global shipping industry.

Nanawagan naman si APSU National president Michael Mendoza sa pamahalaan na bakunahan pa ang mas maraming marino.

“We are on track but we need additional city mayors to commit vaccination slots for our seafarers and contribute to bigger and faster redeployment of our seafarers. The more vaccinated seafarers that we deploy, the greater chances we can retake our place as the most sought-after seafarer in the world shipping industry,” aniya. LIZA SORIANO

One thought on “(Target makumpleto sa pagtatapos ng 2021) BAKUNA SA SEAFARERS”

  1. 835373 901729Up to now, you require to term of hire an absolute truck or van and will also be removal equipments to valuable items plus check out the new destination. From the long run, which finish up with are couple of issues except anxiety moreover stress and anxiety. removals stockport 508522

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *