TARGET NA MABAKUNAHAN DAPAT MAABOT BAGO ANG ALERT LEVEL 0

MAHIGIT isang milyong COVID vaccine doses ang naiturok sa ikaapat na national vaccination days na ginanap mula Marso 10 hanggang 12.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, nasa 57 porsiyento ito ng target na 1.8 milyon.

Hindi naging mata­gumpay ang ikaapat na bakunahan dahil ilan sa mga naging hamon ay ang pagkakampante ng ilang mamamayan dahil mababa na ang mga kaso ng COVID sa bansa, at pagbaha sa ilang lugar noong Sabado dahil sa ulan.

Giit naman ni Dr. Rontgene Solante, miyembro ng vaccine expert panel, sana ay maabot muna ang target na magbakuna kontra COVID ng 90 milyong Pilipino bago isailalim sa Alert Level 0 ang bansa.

“The government and IATF should really study well if we have to downgrade to Alert Level 0, because it’s not only the cases that should be considered. The vaccination population should also be considered,” dagdag ni Solante.

Para naman kay Duque, malayo pa bago magsailalim ng ilang lugar sa bansa sa Alert Level 0.

Hindi rin requirement na madeklara muna ng World Health Organization na endemic ang COVID bago ito isagawa.