HANGAD ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na makamit ang 100% fish sufficiency para sa Pilipinas sa pagtatapos ng administrasyong Marcos sa 2028.
Ayon sa BFAR, ang Pilipinas ay may fish sufficiency level na 92.5%, hindi kasama ang imports at exports, noong 2022.
Ang 100% sufficiency level target sa 2028 ay nakapaloob sa Strategic Plan ng BFAR para sa 2023-2028.
Ang plano ng ahensiya ay isang comprehensive roadmap na nagdedetalye sa mga layunin ng bureau para sa development, improvement, management, at conservation ng fishery and aquatic resources ng bansa sa susunod na limang taon.
Upang makamit ang kanilang target, sinabi ng BFAR na palalakasin nila ang produksiyon sa fisheries sector sa pamamagitan ng increased productivity at reduced post-harvest losses ng fish at fishery products.
Kabilang sa mga hakbang na tinukoy sa Strategic Plan ng BFAR ay ang pamamahagi ng karagdagang interventions tulad ng bagong fiberglass reinforced plastic (FRP) boats, fishing gears, at paraphernalia; pagtatayo ng mariculture parks; reassessment at maintenance ng existing mariculture parks; at development at pagrekomenda ng supplemental guidelines para sa operasyon at pamamahala ng legislated hatcheries.
Kabilang din sa plano ang pagkakaloob at modernisasyon ng fisheries post-harvest at cold chain technologies and facilities; pagtatayo ng common shared service facilities (CSSFs) para sa fish at fishery product; paglikha ng commodity-specific marketing plans, pagpapalawak ng partisipasyon sa market linkaging and businesses, pagtatayo at pag-facilitate ng direct linkage sa pagitan ng fisherfolk borrowers at financing institutions, at pagsulit sa paggamit ng government assets sa logistics gayundin ang partnership sa pribadong sektor in aid of marketing activities.
Sinabi pa ng BFAR na palalakasin din nila ang kanilang koordinasyon at pakikipagtulungan sa National Fisheries Research and Development Institute para sa updated at angkop na fishing technologies at tutulong sa pagbuo ng mga mangingisda ng asosasyon o kooperatiba.
Dagdag pa ng bureau, magpopokus din ito sa full implementation ng Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (FishCoRe) Project at Special Area for Agricultural Development (SAAD) Project.
“All these measures align with the enduring vision of the Marcos administration of building a self-sufficient nation. Food fish sufficiency is more than just sustenance on our tables; it embodies a nation’s inherent resilience in the face of challenges and serves as a bedrock for prosperity and the overall well-being of our people,” sabi ni BFAR National Director Demosthenes Escoto.