(Target ng BSP sa mga liblib na lugar) OFFLINE DIGITAL PAYMENTS

TARGET ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang offline digital payment solutions sa mga liblib na lugar para makapagsagawa ng mga transaksiyong pinansiyal ang mga residente roon kahit na walang internet connection.

“Digital solutions are being pursued to enable e-payments even without internet connection, or what we call offline e-payments. This initiative is being explored as a potential solution for improved financial access particularly in hard- to-reach rural areas,” sabi ni BSP Governor Benjamin E. Diokno sa Philippine Economic Society (PES) virtual conference.

Sinabi ni  Diokno na bagama’t mahalaga ang isang epektibo at maaasahang  internet connectivity para magtagumpay ang digital finance, isinusulong din ng central bank ang  digital solutions para maisagawa ang offline payments.

“The BSP is working on this initiative under the Digital Payments Transformation Roadmap (DPTR) which aims to convert 50 percent of the volume of retail payments into digital form and onboard 70 percent of Filipino adults to the formal financial system by 2023,” sabi ng central bank.

Noong Oktubre, sinabi ng BSP na isa sa limang 5 payments sa Pilipinas ay isinasagawa digitally.

Ang paggamit ng digital wallets tulad ng GCash at PayMaya ay lumobo noong nakaraang taon dahil sa quarantine restrictions dulot ng COVID-19 pandemic kung saan maraming negosyo ang nagbenta ng mga produkto online, habang naging magaan at madali sa mga consumer ang pagbabayad sa pamamagitan ng apps.