TARGET NG BUY BUST LUMABAN NANG SABAYAN

dead on the spot

NUEVA ECIJA – DEAD on the spot ang isang drug personality na target ng buy bust operation nang lumaban ito nang sabayan sa mga pulis sa San Jose, Nueva Ecija.

Ayon kay Police Lt. Col. Beryl Bruno, hepe ng San Jose police, isang buy bust operation ang ikinasa nila sa Encarnacion Subdivision sa Barangay Sto Niño.

Target ng kanilang operasyon ang isang  alyas Mark na kilala umanong drug pusher sa  lugar.

Matagumpay na naisagwa ang bentahan ng droga subalit bago pa tuluyang madakip ang suspek ay natunugan nito na naka-set up siya kaya bumunot umano ito ng baril at nagpaputok kaya nauwi ito sa armadong konprontasyon.

Natamaan ang suspek at natumba sa gilid ng kalsada hangang sa mamatay.

Kaugnay nito,  target naman ng manhunt operation ang is apang kasamahan ng suspek na nagawang makatakas sa kasagsagan ng putukan sakay ng motorsiklo.

Nakuha sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu at .38 kalibreng baril. VERLIN RUIZ

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *