TARGET ng Department of Agriculture (DA) na mapababa ang presyo ng sibuyas sa P170 kada kilo hanggang P80 kada kilo ngayong taon.Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Kristine Evangelista, inaasahan nila ang magandang suplay ng maaaning sibuyas ngayong 2023.
Magtalalaga rin, aniya, ang ahensiya ng mas maraming cold storage facilities sa mga strategic area upang mapalawig ang shelf life ng nasabing produkto.
Gayunman, sinabi niya na nais din ng ahensiya na magkaroon ang mga onion farmer ng price points na magpapatatag sa kanilang farmgate prices sa buong taon.
“I hope it will be less than P170. I hope we can see months wherein we see P80. But the thing is, we are also looking at price stability. We’re trying to help our farmers make price points of which that their farmgate prices will be stable. They know how to spread their losses as well, and to come up with price points that will be stable all throughout the year considering also the cost of cold storage facilities,” sabi ni Evangelista sa panayam sa ANC.
“P170 and even lower is…I think within all throughout the year is something we’d like to achieve,” dagdag pa niya.
Inaasahan din nsibug ahensiya ang mas mababang presyo ng sibuyas sa kalagitnaan ng buwang ito sa gitna ng mga pagsisikap ng gobyerno na mapanatili ang sapat na suplay sa merkado at ng harvest season.