HANGAD ng Department of Agriculture (DA) na mabawasan ang pag-angkat ng mga produktong pang-agrikultura tulad ng baboy sakaling kayanin na mapalaki ng mga lokal na farm producers tulad ng hog raisers ang produksiyon ng kanilang mga inaalagaang baboy na kinakailangan upang matugunan ang pangangailangan para sa sapat na suplay ng pagkain ng bansa.
Ito ang ipinahayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa kanyang mensahe sa mga participant sa 30th Hog Convention and Trade Exhibits noong April 18 sa Iloilo Convention Center.
“We recognize the indispensable role of the community and all stakeholders in our journey towards achieving food security for our nation by working together to ensure that every Filipino has access to safe, nutritious, and locally-produced pork,” pahayag ni Laurel.
Giit ni Laurel, kritikal ang mga ginagampanang papel ng mga magsasaka, mangingisda,at ng mga nasa livestock industries tulad ng hog raisers sa food security ng bansa.
Nagpahayag din ng pasasalamat si Laurel sa mga hog raiser sa ipinakikita nilang katatagan at dedikasyon sa pagtugon sa pangangailangan ng pagkain ng mga Pilipino sa gitna ng kinakaharap na mga hamon sa kasalukuyan.
“If we could produce more pork, definitely we could reduce our importation. Our goal also embodies the DA’s stride towards abundant agriculture across the first economy. Your commitment to excellence in pork production benefits your livelihoods and contributes to our nation’s collective well-being and prosperity of our nation as a whole,” sabi ni Laurel.
Hinimok din ni Laurel ang mga tumigil sa hog raising na bumalik sa swine industry matapos ianunsiyo na magkakaroon na rin ng rollout ng Cold Examination Facilities for Agriculture (CEFA) sa walong lokasyon sa iba’t ibang panig ng bansa sa kalagitnaan ng taong ito at inaasahang maging operational sa mga susunod na buwan.
“That is a signal for you all to be interested in going back to the industry,” sabi ni Laurel.
Binigyang-diin ng kalihim na ang CEFA ay makatutulong sa pagsugpo ng smuggling ng imported agricultural commodities at pagpasok ng transboundary agricultural diseases, upang makatiyak sa ligtas at dekalidad na locally-produced pork.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia