NANINIWALA ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na matutupad ang target nitong bigyan ng internet connection ang nasa 10,000 area sa bansa bago matapos ang taong 2018.
Ayon kay Information and Communication Technology Acting Secretary Eliseo Rio Jr., isasagawa ito sa pamamagitan ng “Free Internet Access Program” ng ahensiya.
Idinagdag pa nito, kapag natupad ang target lahat ng rehiyon at lalawigan ay konektado na sa internet at sa 2022 ay makapaglalagay na ang DICT ng mahigit 200,000 access points sa buong bansa.
Sinabi pa ni Rio, bahagi ito ng pagpapatupad ng Republic Act 10929 o Free Internet Access in Public Places Act kung saan binibigyan ng mandato ang DICT na maglagay ng libreng internet access sa mga pampublikong lugar sa bansa.
Saklaw ng programa ang national and local government agencies; public schools, state universities and colleges (SUCs), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) technology institutions, public hospitals, health centers, rural health units, public parks, plaza at library sa buong bansa.
Comments are closed.