TARGET ng Department of Tourism (DOT) na buksan ang bansa sa mga dayuhang turista sa loob ng taong ito, lalo na yaong mga naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, umaasa siya na papayagan na ang pagpasok sa bansa ng mga foreign tourist makaraang pahintulutan na rin ng pamahalaan ang mga bibisitang overseas Filipinos o balikbayans ngayong buwan.
“Hoping that this year, especially those vaccinated, we will be able to open up to other countries, and not only confined to balikbayans,” wika ni Puyat sa isang press conference kahapon.
Idinagdag niya na target din nilang isailalim ang Metro Manila sa mas maluwag na modified general community quarantine (MGCQ) sa Marso para sa malayang pagbiyahe upang mapalakas ang domestic tourism.
“We should really restart tourism because a lot of people lost their jobs. Mag-1 year na tayo, we know what to do. Metro Manila is placed under GCQ, but MGCQ is freer andGCQ is freer and tourism can be opened to everybody,” ani Puyat.
Samantala, hinikayat ng kalihim ang local government units na huwag papasukin ang mga biyahero na may kaduda-dudang COVID-19 test results kasunod ng mga ulat na may ilang turista na pinepeke ang kanilang swab tests.
“We remind the LGUs that if they are doubtful with the RT PCR, don’t let them enter. Hahanapin ninyo pa, magtatago pa ‘yan…naging super spreader na siya. It’s really important that the LGUs become more strict,” aniya.
Ilang travelers sa Boracay ang natuklasang pineke ang kanilang RT-PCR test results at nahaharap ngayon sa mga kaso dahil sa paglabag sa quarantine protocols.
Comments are closed.