TARGET NG MILITARY OPS NAROON SA SINALAKAY NA CPP-NPA CAMP

NILINAW ni Armed Forces of the Philippines (AFP) 8th Infantry Division commander Maj. General Pio Dinoso na walang nadamay na sibilyan sa inilunsad na military operation ng Joint Task Force Storm sa nadiskubreng terrorist camp sa Dolores, Eastern Samar na ikinamatay ng 16 miyembro ng New People’s Army (NPA) at pagkasamsam ng 29 high powered firearms.

Ito ay kasunod ng mga pinakakalat umanong fake news ng mga makakaliwang hanay na may mga bahay at mga sibilyan na nadamay sa pambobomba ng Philippine Air Force at ground artillery ng Philippine Army.

Ayon kay Dinoso kahit i-survey sa ‘google map’ walang kapitbahay at malayo sa komunidad ang sinalakay nilang kuta ng CPP-NPA at wala ring katotohanan na may nakuhang dalawang hindi sumabog na ammunition malapit sa bahay ng mga sibilyan dahil hindi sila gumagamit at wala sa kanilang arsenal ang uri ng bomba na ipinakikita umano ng mga hinihinalang supporter ng CTG.

Kasabay ng inilunsad ngayon hot pursuit operation laban sa mga tumatakas at mga hinihinalang mga sugatang NPA ang massive clearing operation sa encounter site.

Hinala ni Dinoso may high value target sa area o may mga dokumento iniingatan ang may 50 NPA na kanilang nakasagupa kaya matindi ang depensa ng mga ito sa kanilang kuta dahilan upang tumagal ang labanan na nagsimula bandang alas-4:00 ng madaling araw noong Lunes.

Target ng militar na maibaba agad sa kabayanan ang mga bangkay ng napatay na NPA upanmg kilalanin at maibigay sa kaniknailang mga kamag anak upang mabigyan ng maayos na libing.

Kasabay nito nanawagan ang heneral sa mga nalalabi pang NPA na ito ang panahon para samantalahin ang alok na kapayapaan at pagbabagong buhay ng gobyerno at maipagamot din ang mga sugatan.

Nabatid na 12 cadre at apat na babaeng NPA ang sa isinagawang pagsalakay sa sinasabing kuta na nagsisilbi ring bomb factory ng mga communist terrorist group.

Sa pahayag ni AFP Spokesman Col Ramon P Zagala, noong Lunes ay naglunsad ang Joint Task Force Storm ng joint ground, air and sea operations laban sa CPP- NPA terrorists sa Barangay Osmena sa bayan ng Dolores.

Ito ay makaraang makatanggap ng ulat ang tropa ng pamahalaan mula sa mga residente hinggil sa pinagkukutaan ng mga rebelde kaya nagkaroon ng engagement ang military. VERLIN RUIZ

102 thoughts on “TARGET NG MILITARY OPS NAROON SA SINALAKAY NA CPP-NPA CAMP”

  1. One more thing I would like to mention is that as opposed to trying to suit all your online degree courses on days that you conclude work (since the majority people are fatigued when they get back), try to obtain most of your lessons on the weekends and only a few courses on weekdays, even if it means taking some time off your saturdays. This is beneficial because on the weekends, you will be a lot more rested plus concentrated with school work. Thanks a bunch for the different ideas I have acquired from your blog.

Comments are closed.