(Target ng operasyon nakatakas) ARMAS AT PAMPASABOG NAKUMPISKA NG AFP, PNP

MAGUINDANAO-IBA’T IBANG high powered firearms at pampasabog ang narekober sa inilunsad na joint law enforcement operation ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa lalawigang ito.

Ayon kay Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., AFP Westmincom, Commander ng Western Mindanao Command, nagsagawa sila ng operasyon sa Sitio Lasian, Kabuling, Pandag laban kay Joross Ongga Guiamad.

Sa pahayag naman ni PNP -Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Maguindanao chief, Major Esmael Madin, target ng kanilang isisilbing warrant si Guimad at Joemar Sagandingan na mga tauhan umano ni Kumander Grasscutter na sangkot sa bentahan ng shabu at sa ilang krimen sa lugar.

Subalit, natunugan kaagad ni Guiamad ang presensiya ng operating troops kaya mabilis itong nakatakas sa lugar.

Naiwan ng mga suspek sa pagtakas ang isang Barret sniper riffle, isang M79 rifle, dalawang fragmentation grenades, isang rifle grenade, anim na unserviceable cal. 38 revolvers, isang unserviceable KG9 machine pistol, isang 26 live ammunition para sa shotgun, limang barrel ng cal. 45 pistol, tatlong suppressors para sa cal. 45, limang bandoliers, daalwang magazines ng cal. 45, at tatlong sling bags. VERLIN RUIZ

2 thoughts on “(Target ng operasyon nakatakas) ARMAS AT PAMPASABOG NAKUMPISKA NG AFP, PNP”

  1. 16146 709621View the following tips less than and locate to know how to observe this situation whilst you project your home business today. Earn money from home 740479

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *