LUMAGDA ang Department of Trade and Industry (DTI), sa pamamagitan ng Board of Investments (BOI), at ang Mizuho Bank, Ltd. sa isang memorandum of understanding (MOU) upang patuloy na palakasin ang kooperasyon sa pagsusulong ng investments sa Pilipinas sa Japanese investors.
Ayon sa BOI, ang MOU ay nilagdaan nina Trade Undersecretary, BOI Managing Head Ceferino Rodolfo at Mizuho Bank Manila general manager Masaaki Wada sa BOI office sa Makati City noong July 16.
Layunin ng MOU na palakasin ang kanilang kooperasyon upang itulak ang investments sa pamamagitan ng pagsasagawa ng seminars o missions, kabilang ang business-matching activities.
“BOI aims to continue partnering with Mizuho Bank in investment promotion initiatives, exchange of information support, and in conducting fruitful meetings not just in Japan but also in the Philippines,” wika ni Rodolfo.
Inihayag ni Rodolfo ang kanyang pasasalamat sa Mizuho Bank Manila branch para sa suporta at partisipasyon nito sa investment promotion missions sa Japan, idinagdag na tatlong Japanese firms ang matagumpay na nakapagtayo ng kanilang presensiya sa Pilipinas bunga ng mga pagpupulong na ito.
Isa sa tangible outcomes ng partnership ay ang investment ng Nitori Holdings Co., Ltd. sa bansa.
Binuksan ng Nitori, ang pinakamalaking furniture at home furnishing chain sa Japan, ang kanilang unang store sa Taguig City sa kaagahan ng taon. Plano ng kompanya na magtayo pa ng mga more store ngayong taon.
“Mizuho Bank has been pivotal in our efforts to attract Japanese investors. This is exemplified by our collaboration with Nitori, which led to a project that will create jobs for Filipinos. This contributes to the success of our trade and investment relations with Japan, as most investments in equity capital placements originate from Japan. True enough, our collaboration with Mizuho Bank has been the catalyst for these investments,” ani Rodolfo.
Sinabi ni Rodolfo na inaabangan niya ang isa pang oportunidad na makatrabaho ang Mizuho Bank para sa darating na BOI investments promotion mission sa Japan sa last quarter ng 2024.
Ang Japan ay laging nasa top five sources ng investment sa Pilipinas sa maraming taon.
Sa huling bahagi ng 2023, ang approved investments mula sa Japan ay nagkakahalaga ng P57.47 billion, tumaas ng 10.56 percent mula sa naunang taon.
Tinukoy ang foreign direct investments data ng Bangko Sentral ng Pilipinas, sinabi ng BOI na hanggang April ngayong taon. ang karamihan sa investments sa equity capital placements ay nagmula sa Japan (47 percent), sumunod ang United States (21 percent), Malaysia (11 percent), at Singapore (9 percent). ULAT MULA SA PNA