PUNTIRYA ng Pilipinas na makaakit ng 7.7 million foreign visitors sa susunod na taon makaraang malampasan ang arrival goals nito para sa 2023, ayon sa Department of Tourism (DOT).
“I understand that this is not yet our pre-pandemic numbers of 2019 at over 8.2 million international arrivals but what I can assure you is that we will push as hard as we can and fully activate our convergences with other government agencies in order to reach this target,” wika ni Tourism chief Christina Frasco.
Ayon kay Frasco, ang bansa ay tumanggap ng kabuuang 5,069,752 foreign visitors magmula noong Enero.
Aniya, ang Philippine tourism ay nagpamalas ng “remarkable resilience” ngayong taon sa kabila ng pagiging isa sa mga huli sa Southeast Asia na nagbukas ng turismo matapos ang pandemya.
“Under the visionary leadership of our President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., the Philippines has begun to witness the fruits of the plans that have been put in place under his vision for transformation,” dagdag pa niya.
Sinabi ng DOT na ang recovery ng Pilipinas pagdating sa international tourist arrivals ay umabot na sa 65.54 percent sa kaparehong panahon.
Ibinahagi ni Frasco na ang bansa ay mas mabilis na nakababangon kaysa sa inaasahan sa tourism receipts nito, na may P458 billion na nalikom mula Enero hanggang Nobyembre, o 95.85 percent ng 2019 figures.
Sa pinakahuling 2023 arrival numbers, sinabi ng DOT na 4,658,123 o 91.88 percent ang foreign tourists, habang ang nalalabing 411,629 o 8.12 percent ay overseas Filipinos.
Ang South Korea ang top source market ng Pilipinas na may 1,341,029 arrivals, kasunod ang United States na may 836,694; Japan na may 285,655; China na may 252,171; at Australia na may 238,487.
Nasa ika-6 na puwesto ang Canada na may 206,571, sumusunod ang Taiwan na may 186,140, United Kingdom na may 141,516, Singapore na may 140,633, at Malaysia na may 92,383.
Lumikha rin ang tourism sector ng 5.35 milyong trabaho mula sa 2.6 million visitor arrivals noong 2022, o 11 sa bawat 100 Pilipino.