(Target ng table tennis sa SEAG) GINTO LANG, WALA NANG IBA!

table tennis

SINABI ni Table Tennis Federation of the Philippines Inc. President Ting Ledesma na isa lang ang kanyang puntirya sa 30th Southeast Asian Games –  ang ginto, at kumpiyansa siya na makukuha ito ng kanyang players na nagwagi sa Southeast Asia Table Tennis Association (SEATA) tournament na ginawa sa Bali, Indonesia.

“My target is gold. I am confident my players will make it because they are well-honed and well-prepared toughened  by series of international exposures. They are dead serious, inspired and determined to win,” wika ni Ledesma sa TOPS Usapang Sports sa National Press Club kahapon.

“We conducted series of eliminations held in Batangas to get the best and the brightest players to play for the country in the SEA Games. This  time around, we will collar the elusive medal,” ani Ledesma.

Pangungunahan ni Malaysia SEA Games bronze medalist Richard Gonzales ang medal campaign ng table tennis.

Ayon kay Ledesma, sasabak ang kanyang mga manlalaro sa dalawang prestihiyosong torneo na  gagawin sa Indonesia para lalo pang mahasa at lumawak ang karanasan ng mga ito.

“The two tournaments in Indonesia supported by Philippine Sports Commission is their final fo­reign exposures before the SEA Games,” ani Ledesma.

Para mapalakas ang kampanya sa SEA Games ay kinuha ni Ledesma ang serbisyo ni dating world champion Korean coach Kwn Mi Sook.

Binigyan ng PSC sa pamumuno ni William Ramirez ng isang taong coaching contract si Kwon na may $2,000 monthly salary.

Sinabi ni Ledesma na very timely ang pagdating ni Kwon dahil kasaluku­yang naghahanda ang kanyang mga manlalaro sa SEA Games.

“As coach, I have the duty and responsibi­lity to refine and polish to perfection the skills of the players in preparation for the SEA Games,” anang Korean coach. CLYDE MARIANO

Comments are closed.