PINAIIGTING ng Taiwan ang marketing at promotions nito upang makaakit ng 320,000 turista mula sa Pilipinas kung saan target nitong mabawi ang pre-pandemic arrival figures.
Ayon sa Taipei Economic and Cultural Office (TECO) sa Pilipinas, ang Filipino travelers ay umabot sa 510,000 noong 2019.
“Since Taiwan’s border has been open to tourists since October 13 last year, the number of Filipino visitors to Taiwan has grown rapidly, which shows the high enthusiasm of Filipino tourists for Taiwan,” pahayag ng TECO sa isang statement.
Ang Taiwan Tourism Bureau Kuala Lumpur Office at Taiwan Amusement Park Association ay nagsagawa ng promotion conference sa Manila noong weekend upang imbitahan ang mga Pinoy na bisitahin ang ilang amusement parks sa island.
Labing-isang amusement parks, anim na travel agencies, at tatlong airline representatives mula Taiwan ang dumating habang mahigit isandaang while Philippine travel agencies, kabilang ang Philippine Travel Agencies Association, ang lumahok mula sa Manila.
Sa kasalukuyan, ang Taiwan ay nananatiling visa-free para sa Filipino tourists.
Kabilang sa mga park na ibinida ng bureau ay ang Leofoo Village Theme Park, Formosan Aboriginal Culture Village, Janfusan Fancy World, Little Ding-Dong Science Theme Park, Yehliu Ocean World, Farglory Ocean Park, West Lake Resortopia, Atayal Resort, Sun-Link-Sea Forest & Nature Resort, Shangshun World, E-DA Theme Park at marami pang iba. PNA