UMAASA ang Information Technology and Business Process Association of the Philippines (IBPAP) na makamit ang unang USD40 billion revenue nito ngayong 2024.
Sinabi ni IBPAP president and chief executive officer Jack Madrid na target ng IT and business process management (ITBPM) industry na lumago ng 7 percent ang revenue at full-time employment (FTE) nito ngayong taon mula sa 2023 figures.
Noong nakaraang taon, ang ITBPM industry ay naging top dollar earner para sa bansa, kung saan nahigitan nito ang remittances ng overseas Filipinos.
Ang industry revenues noong 2023 ay pumalo sa USD35.5 billion, nagdagdag ng mahigit 130,000 trabaho, na may headcount na umaabot sa 1.7 million.
Ayon kay Madrid, ang paglago sa revenues at FTE noong nakaraang taon ay mas mataas sa industry target na 8 percent.
Aniya, susuportahan ng generative artificial intelligence (AI) ang growth targets para ngayong taon.
Sinabi niya na ang pagde-deploy ng generative AI technology sa ITBPM companies ay makapagpapataas ng productivity ng mga empleyado ng 14 percent, na makatutulong sa pagkamit ng industry targets.
Sa 2028, target ng industry association na makamit ang revenues na USD59 billion at FTEs na 2.5 million.
Samantala, sinabi ni Madrid na kailangang matugunan ng ITBPM sector ng bansa ang mga hamon sa workforce, lalo na ang reskilling at upskilling sa pool of talents upang matamo ang diversifying skills requirement ng industriya.
“We feel that for the foreseeable future, AI will augment jobs, it will affect some jobs, but that is also an opportunity to upskill, right-skill, and cross-skill our employees. The best way to prepare for AI is to work on our skillset,” dagdag ng IBPAP chief.
(PNA)