IKINAGALAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpalo sa 7.6% na full year growth domestic product para sa taong 2022, kung kaya’t lalo pang pag-iibayuhin ang pagkalap ng mas maraming pamumuhunan para mapanatili ang momentum ng paglago.
Idiniin ng Punong Ehekutibo na ang pangunahing layunin ng kanyang administrasyon ay makaakit ng mga dayuhang pamumuhunan upang mapanatili ang naturang paglago at pag-unlad.
“We are happy to receive the news that our growth rate for the year 2022 exceeded all expectations even by the estimates of the international financing institutions and we are holding at 7.6 percent,” sabi ni Pangulong Marcos.
Gayunman, aminado ang Punong Ehekutibo na nananatili ang problema ng bansa at ito ay kaugnay sa inflation na nakakaapekto sa iba’t ibang sektor ng lipunan at ng ekonomiya.
“However, for 2023, we still have the problem of inflation which means there is still a problem of certain sectors of society and of the economy, [who] have yet to enjoy the benefits of that growth. And that’s why inflation is something that we are attending to,” diin ni PBBM.
Sinabi ng Pangulo na inaasahan na ng kanyang administrasyon na sa pagtatapos ng 2nd quarter, bababa na ang inflation rate, lalo na sa mga produktong agrikultura.
Nagpahayag din ng pagiging positibo ang Chief Executive na bababa sa 4 percent ang inflation rate ng bansa sa 3rd o 4th quarter ng taong ito ayon sa pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Kailangan aniyang panatilihin ang magandang GDP upang makahikayat ng pamumuhunan sa Pilipinas dahil iyon ang tanging paraan para tumaas ang aktibidad ng ekonomiya at sa gayon ay mapalago ang ekonomiya.
“ So I think that we are headed in the right direction. We still have some interventions that we will have to apply. But nonetheless, we are weathering the shocks on the international economic situation and we are starting to see that the economy is moving in the correct direction” paliwanag pa ng Pangulo.
Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Huwebes na ang Pilipinas ay nag-post ng 7.6 porsiyentong buong taon na paglago noong 2022, ang pinakamataas sa loob ng 46 na taon mula nang magtala ang bansa ng 8.8 porsiyentong paglago noong 1976.
Ang Philippine Gross Domestic Product (GDP) ay nag-post ng paglago ng 7.2 porsyento sa ika-4 na quarter ng 2022, na nagreresulta sa isang 7.6 porsyento na buong taon na paglago, sinabi ng PSA sa ulat nito.
Sinabi ng PSA na kabilang sa mga pangunahing nag-ambag sa paglago ng 4th quarter 2022 ay wholesale at retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles, 8.7 porsiyento; financial and insurance activities, 9.8 porsiyento; at manufacturing, 4.2 porsyento.
Sa mga pangunahing sektor ng ekonomiya, ang Industry and services ay nag-post ng mga positibong paglago sa 4th quarter ng 2022 na may 4.8 porsiyento at 9.8 porsiyento, ayon sa PSA.
Ang mga industriya na may pinakamalaking kontribusyon sa annual growthrate ay: wholesale at retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles, 8.7 porsiyento; Labor, 5.0 porsyento; at konstruksyon,12.7 porsyento.
EVELYN QUIROZ