NAHIGITAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang tax collection goal nito noong nakaraang taon sa kabila ng patuloy na pananalasa ng COVID-19.
Sa isang pahayag, sinabi ni BIR Commissioner Caesar Dulay na pumalo sa P1.94-trilyon ang nakolekta ng ahensiya noong nakaraang taon kung saan nalagpasan nito ang target na P1.69 trilyon.
Ibig sabihin, mas mataas ng 15.14% o P255.19 bilyon ang nakolekta ng BIR noong Enero hanggang Disyembre 2020.
Sa ngayon, ang nakolektang buwis ng ahensiya noong nakaraang taon ang itinuturing na pinakamataas na nakolektang buwis sa nakalipas na dalawang dekada. DWIZ 882
Comments are closed.