(Target sa 2028) PH EXPORTS LALAGO SA $240.5-B

EXPORTS, IMPORTS

TARGET ng pamahalaan ang paglago ng exports sa $240.5 billion sa 2028 sa ilalim ng bagong development plan na naglalayong gawin ang Pilipinas na isang “export powerhouse”.

Sa ilalim ng Philippine Export Development Plan (PEDP) 2023–2028 na inilunsad sa International Trade Forum sa Taguig City nitong Huwebes, ang total export target para sa susunod na anim na taon ay nakasalalay sa paglago ngtop eight export sectors, na bumubuo sa 88.5% ng total exports ng bansa.

Para ngayong taon, ang PEDP ay nagtakda ng total export target na $126.8 billion.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang total export receipts noong 2022 ay nasa $78.84 billion, tumaas ng 5.6% mula $74.65 billion noong 2021.

Sa pagtaya ng export development plan, ang total exports ay lalago pa sa $143.4 billion sa 2024 at sa $163.6 billion sa 2025.

Ang total exports ay inaasahang papalo sa $186.7 billion sa 2026 at sa $212.1 billion sa 2027.

Pagsapit ng 2028, ang electronic at electrical exports ay inaasahang mag-aambag ng lion’s share na $106.4 billion sa kabuuan, habang ang Information Technology-Business Process Management sector ay $63.2 billion.

Pumapangatlo ang minerals, na tinatayang magpapasok ng $19.4 billion sa susunod na anim na taon, kasunod ang agriculture at agri-based exports sa $8.9 billion.

Samantala, ang transport products ay inaasahang mag-aambag ng $6.8 billion na total receipts. Anf sixth-top sector ay ang wearables, fashion accessories, and travel goods, na may $4.5 billion total export value.

Ang chemicals and home furnishings ang seventh at eighth top export sectors, na inaasahang mag-aambag ng $2.4 billion at $1.4 billion, ayon sa pagkakasunod, pagsapit ng 2028.

Ang top eight sectors ay tinatayang bubuo sa $213 billion, o 88.5%, ng $240.5 billion na total exports na inaasinta sa 2028.