(Target sa Q1 nahigitan)P213.69-B NAKOLEKTA NG BOC

NALAGPASAN ng Bureau of Customs (BOC) ang revenue target nito para sa first quarter ng 2023 ng P16.6 billion.

Ayon sa BOC, ang total revenue collection sa unang tatlong buwan ng taon ay umabot sa P213.69 billion, mas mataas ng 8.43 percent kumpara sa P197.020 billion revenue target para sa period.

Ayon kay Commissioner Bienvenido Rubio, ang malakas na collection performance ay dahil sa 5-point priority programs ng BOC, na nakatuon sa pag-digitalize sa Customs processes, pagpapadali sa procedures, pagsugpo sa smuggling at pagpapaangat sa kapakanan ng mga empleyado.

“Our positive collection performance for the first quarter of 2023 is a testament to the hard work and dedication of our men and women at the Bureau. We will continue to implement our priority programs and introduce new initiatives to sustain this positive momentum,” sabi ni Rubio.

Nahigitan din nito ang target nito para sa buwan ng Marso na P72.282 billion nang makakolekta ng P80.133 billion para sa surplus na P7.851 billion o 10.86 percent.

“I am proud of the hard work and dedication of the men and women of the Bureau of Customs. This achievement is a testament to our collective effort to improve our revenue collection and promote good governance,” dagdag pa ni Rubio.

Aniya, ang malakas na performance sa first quarter ng taon ay makatutulong sa pagbangon ng ekonomiya.

“We will continue to work hard and strive for excellence as we aim to become one of the world’s best Customs administrations,” anang BOC chief.

PNA