MALAPIT nang magkaroon ang Filipinas ng subway system.
Ipinakita kahapon ng Department of Transportation (DOTr) ang isang bahagi ng tunnel boring machine, ang head cutter na mahalaga sa konstruksiyon ng Metro Manila subway, na planong simulan ang partial operations sa katapusan ng taon.
Ang $350-billion project ay inaasahang matatapos sa 2025. Nasa 85 percent ng halaga ng proyekto ay inutang sa Japan, at babayaran ng hanggang 40 taon, na may 12-year grace period at 0.1 percent interest.
Ayon sa DOTr, ang aktuwal na konstruksiyon ng subway ay sisimulan sa third quarter ng taon, at planong bahagyang patakbuhin ang sub-way station sa East Valenzuela sa Disyembre.
“Partial operability [by December] this year. Worst case scenario [is by] January o February next year… Ma-e-enjoy at masasakyan ang ating subway hindi pa tayo nagbabayad ng loans,” wika ni Transportation Secretary Arthur Tugade.
Tiniyak din ng kalihim na magiging ligtas ang pagtatayo sa subway dahil sa gagamiting , Japanese technology.
“Ang mga engineers natin, consultant at skills pati na mga contractor ay [na-involve] sa… subway sa Japan… kung saan ‘yung bagyo at lindol ay marami kesa sa atin. Ibig sabihin kung bibitbitin ‘yung kanilang talent at skills at experience puwede natin sabihin kagaya ng Japan hindi magkakaproblema ‘yung baha,” aniya.
Comments are closed.