NGAYONG taon marahil ay isa na namang RECORD BREAKING attendance ang bibisitang sabungero sa buong mundo sa ating WORLD GAMEFOWL EXPO.
Kapuna-puna ang sigla lalong-lalo na ang iba’t ibang tari makers na sasali ngayong taon. Ngayong 2019 ay ikasiyam na taon na ng expo natin, at nakatutuwang pagmasdan ang paglago ng industriya ng paggawa ng TARI at mga accessories o kagamitan nito.
Ang grupo ng PINOY GAFFERS ASSOCIATION na may membership na higit sa 10,000, sa pamumuno ni BONG ENSONG, ay bibisita sa atin upang makita nila ang mga bagong teknolohiya sa mga bakal na gagamitin sa tari at mga accessories nito. Isang metallurgist na galing pa sa Germany si Andreas Thiel. Si RICHARD ‘CALITAN’ BILAN, nakilalang isa sa mga supplier ng mga top of the line na bakal tulad ng KARNASCH AT KINKELDER, ay kasama rin natin at magbabahagi ng kanyang mga bakal na galing pa sa Germany at Holland. Matatagpuan po siya sa #booth 280.
Si ARNELLE VENDERO, tari maker na taga-Cebu naman po ay magdadala ng kanyang mga tari na gawa sa DORINGER METAL na galing sa America sa tulong ni ROBERT DELA CRUZ. Si CARLO NICOLAS naman ng CARLO TARI MAKERS and ACCESSORIES ay magdadala rin ng mga dekalidad na gawa ng tari sa iba’t ibang uri ng bakal. Matatagpuan po ninyo si CARLO sa booth #371 at 382.
Isa pang magandang balita ay ang pagsali ng PHILIPPINE TARI MAKERS AND GAFFERS ASSOCIATION sa pamumuno naman ni GLENN SANCHEZ na nakilala sa SAN BANGKAS DE ALAMO. Si Glenn po ay isang OFW na nakabase sa Texas, USA at magaling din pagdating sa paggawa ng mga tari at bakal na ginagamit dito. Ang 3K GAFFING ACCESSORIES nina VIC AT GRACE GABRIEL ay kasali rin po sa booth # 383 at 384. Si NELSON CASTRO naman ay puro gaffing accessories ang dadalhin samantalang sina AMPY TARI at BONG TARI ay hindi rin pahuhuli at magdadala ng kanilang napakagandang mga tari.
Si ARNEL TUNCAB ay magdadala naman ng mga kalidad na bakal gawa sa Japan at kasama mismo ang mga Hapon na ayon kay Arnel ay gagamitan ng matagal na tradisyon sa Japan ng paggawa ng SAMURAI. Ang pangalan po ng booth nila ay FUJIYAMA SINUKWAN.
Talaga namang kapana-panabik ang WORLD GAMEFOWL EXPO dahil maraming gumagawa ng incubators ang sumali na rin tulad ng AC ANG INCUBATORS, VIROCEL, DL INCUBATORS ni Doyet Lapido, LUCKY BOX ni DARRYL BA-RAMMEDA at ang gawa ni JOE BERT DIAZ MARCUELO ng RAGAMAK GAMEFARM.
Maraming salamat kay GERALD GARCIA NG KOLIN INDUSTRIES na sasali rin upang ipakita ang iba’t ibang EGG CHILLERS na gamit ng mga breeder upang maganda at mapanatiling buhay ang semilya ng itlog bago ito isalang sa incubator.
Salamat din po sa POWERTRAC, ang katuwang ng bayang sabungero sa kanilang mga pangangailangang sasakyan pagdating sa kanilang negosyo at siyempre ang OFFICIAL REFRESHMENT NG WORLD GAMEFOWL EXPO GALING SA NUTRI-ASIA PHILIPPINES sa tulong ng kanilang manager na si JUANCHO AGUIRRE, JR.
May mga panuntunan po ang BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY at ang guidelines pong ito ay amin nang naikalat sa lahat upang maging madali ang pagpapadala ng mga manok na nabili at ipadadala sa MIMAROPA, Visayas at Mindanao.
Handang-handa na po ang lahat at ako po, kasama si RAQUEL ROMERO, ay taos-pusong nagpapasalamat sa BAYANG SABUNGERO!!!
Comments are closed.