USAPIN pa rin ang pagpapababa ng presyo ng bigas.
Isa sa mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan at rekomendasyon ay ang ibaba ang taripa sa imported na bigas
Sang-ayon ang ilang senador sa mungkahi ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto na babaan ang ipinapataw na taripa sa imported na bigas para mapababa ang presyo ng bigas.
Ito ay matapos ihayag ng DOF na handa ang gobyerno na mawalan ng halos P10 bilyon sa pagbabawas ng tariff rates para mapababa ang presyo ng bigas at pigilan ang pagtaas ng inflation.
Sinasabing ang mataas na taripa ang dahilan kung kaya mataas ang presyo ng bigas,.
Ang anumang pagbaba sa kita ng gobyerno na maidudulot nito ay madaling mababawi sa pamamagitan ng pagbabawas sa mga hindi kailangang gastusin.
Siinsabing ito ang direktang tulong ng gobyerno sa publiko dahil bababa ang presyo ng kada kilo ng bigas.
Mas mabuti umano ito kaysa dole out na iilan lang ang makatatanggap.
Pero sinabi ng ilang mambabatas na dapat tiyakin ng gobyerno na makakasuhan ang mga hoarder, price fixer, at smuggler ng bigas.
Gayunman, hindi pa rin ito pangmatagalan at maaarring band aid solution lang ang pagbabawas ng taripa sa bigas.
Dapat matiyak na ang pagbabawas ng taripa ay talagang magpapababa sa presyo ng bigas sa retail level at hindi para paramihin ang kita ng mga importer.