TARIFF MODIFICATION SA E-VEHICLES APRUB SA NEDA

NEDA

INAPRUBAHAN kahapon ng National Economic Development Authority (NEDA) board ang executive order na magpapatupad ng tariff modification sa mga e-vehicle (EV), mga parts at components nito.

Maging ang guidelines ng NEDA sa proseso ng Public-Private Partnership (PPP) proposals ay lusot na rin.
Layunin nito na himukin ang paggamit sa mga e- vehicle para tugunan ang problema sa polusyon at epekto ng climate change.

Lusot na rin sa NEDA Board ang Investment Coordination Committee (ICC) approvals ng anim pang proyekto.

Sa ginanap na pulong kahapon inendorso ng NEDA Board kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang nasabing EO para sa modipikasyo ng EV para sa passenger cars, buses, mini-buses, vans, trucks, motorcycles, tricycles, scooters, at bicycles, at iba pa kasama ang EV parts at components nito.

Pansamantalang mababawasan ang Most Favoured Nation (MFN) tariff rates hanggang zero percent sa loob ng limang pasuhin makaraan ang isang taon ng pagpapatupad para ma-assess ang impact nito sa pagsulong ng EV industry ecosystem.

Ang bagong procedures ay naglalayong maisulong ang review at approval ng NEDA Board at ang ICC, kabilang ang paghahanda at pagsusumite ng government agencies ng PPP projects kaakibat ang joint evaluation ng NEDA Secretariat, PPP Center, at ng Department of Finance.

Kabilang din sa panuntuan ang updated list ng documentary requirements para i-solicit at unsolicited PPP proposals.

Inaprubahan din ang bagong proyekto na pinondohan ng P11.3 bilyon para sa Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (FishCoRe) ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR).

Aprub na rin ang kahilingan ng Department of Transportation (DOTr) para sa paggamit ng savings, change in scope, at loan validity extension para sa e Maritime Safety Capability Improvement Project (MSCIP) Phase I, gayundin ang hiling ng 19-month loan validity extension para sa New Communications, Navigation, Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) systems development project.

Para sa Department of Public Works and Highways (DPWH), aprub na rin ang hiling na mapalawak ng hanggang 12 months ang implementasyon at bisa ng loan para sa Samar Pacific Coastal Road Project (SPCRP), at ang hiling na pagbabago sa scope of works, increase in cost, at reallocation ng contingency cost sa civil works category para sa Integrated Disaster Risk Reduction at Climate Change Adaptation (IDRR-CCA) Measures Low-Lying Areas sa Pampanga Bay project.

Habang aprub din ng Committee ang hiling para sa amyenda ng Philippine Competition Commission’s (PCC) Capacity Building to Foster Competition Project. EVELYN QUIROZ