TARIFF RATES IKA-CALIBRATE

INAPRUBAHAN na ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Comprehensive Tariff Program na naglalayung isaayos o ma-calibrate ang tariff rates hanggang 2028.

Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na ang programa ay isang strategic move para matiyak ang access at kakayahan sa essential commodities habang binabalanse ang kapakanan ng consumers at local producers na kailangan para magpanatili at mabilis na inclusive economic growth.

Sinabi ni Balisacan sa 17th board meeting na tumugon siya sa mga rekomendasyon ng Committee on Tariff and Related Matters (CTRM) para mapanatili ang current rates sa mahigit kalahati ng tariff lines na sumasakop sa iba’t ibang agricultural and industrial products na isinasailalim sa taripa para sa raw materials at intermediate inputs na ginagamit sa manufacturing.

“The tariff maintenance will ensure access to inputs and support efforts to improve productivity and competitiveness. This measure will help our domestic industries by reducing the cost they incur for their inputs, enabling them to be more competitive especially in the global market,” paliwanang ni Balisacan.

Sinabi ng NEDA chief na nagkasundo ang board para sa tariff lines.

“The board also agreed to merge these tariff lines on certain chemical and chemical products, textiles, machinery and transport equipment to simplify the tariff structure for more efficient customs administration and improve the ease of doing business,” dagdag pa ni Balisacan.

Inaprubahan din ng board ang rekomendasyon ng CTRM na bawasan ang taripa sa ilang chemicals at coal briquettes para mapalakas ang energy security at mapababa ang input cost para sa matatag na presyo ng bilihin kasama na rin ang pagtitiyak na magiging matatag ang electricity prices at supply sa bansa.

Iniulat din ng NEDA chief na ang mga kemikal na may iminungkahing pagbawas ay mga input sa paggawa ng antiseptics, detergents at medical deserts upang makatulong na mapababa ang gastos sa produksyon at mapabuti ang kapakanan ng mga mamimili.

Habang napanatili naman ang taripa sa mais, baboy at mechanically-deboned meat.

“The reduced tariff rates on corn, pork and mechanically-deboned meat under Executive Order No. 50, Series of 2023 were also maintained until 2028 to ensure stable supply of these commodities, help manage inflation, promote policy stability and investment planning and enhance food security,” ayon kay Balisacan.

Sa kaso ng bigas, binawasan ng NEDA Board ang duty rate sa 15 porsiyento para sa parehong in-quota at out-quota rates mula 35 porsiyento hanggang 2028.

Ito ay naglalayong ibaba ang presyo ng bigas at gawin itong mas abot-kaya.
EVELYN QUIROZ