MULING nanawagan ang pamahalaan ng Filipinas sa South Korea na bawasan ang import duty sa Philippine banana, ayon kay Trade Secretary Ramon M. Lopez.
Sa isang diyalogo kamakailan kay South Korean Trade Minister Kim Hyun-chong, iginiit ni Lopez ang posisyon ng Filipinas sa Seoul na ibaba ang taripa sa banana exports ng bansa, na sa kasalukuyan ay pinapatawan ng 30 percent duty. Noong Hunyo ay humiling ang Filipinas ng preferential trade agreement sa East Asian economy upang ibaba ang import duties sa mga prutas sa 5 percent.
“[We] renewed request to lower tariff on our banana exports for greater market access in South Korea. [We had an] open discussion, and we are considering options on a better process moving forward, either bilateral trade through a preferential trading arrangement or under Asean-Korea,” wika ni Lopez.
Ang Filipinas, bilang member-state ng Association of Southeast Asian Nations (Asean), ay may free trade agreement (FTA) sa South Korea sa pamamagitan ng Asean-Korea FTA. Ang dalawang ekonomiya ay negotiating parties din sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Ang mga saging na nagmumula sa Central American countries ay unti-unting nagkakaroon ng market share sa South Korea sa pamamagitan ng FTA. E. ROSALES
Comments are closed.