BASILAN-BUMUO ng Special Investigation Task Force (SITG) Isabela ang Police Regional Office 9 para mas matutukan ang naganap na magkasabay na pagsabog sa Isabela City sa lalawigang ito.
Ayon kay BGen Franco Simboro, Regional Director ng PRO 9 na ang SITG Isabela ay pinangungunahan ni Deputy Regional Director for Operation Col Lou Evangelista.
Kahapon nagsimula nang magpulong ang SITG Isabela at hiniling sa Regional Anti-Cyber Crime Unit 9 na i-enhance ang nakuhang CCT PV footages sa pinangyarihan ng pagsabog at inaalam ang signature nang pinasabog na Improvised Explosive Device.
Habang gumagawa na rin Ang task force ng computer facial composite ng suspek batay sa description ng mga testigo.
REA SARMIENTO