MULING binuhay ng Department of National Defense ang Task Force El Niño bilang paghahanda sa magiging epekto ng inaasahan ng lubhang tagtuyot sa bansa.
Mismong si Defense Secretary Gilberto Teodoro ang namuno sa re-activation and reconstitution ng Task Force El Niño sa ilalim ng Executive Order No. 53, kahapon sa ginanap na pagtitipon kahapon sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Ang pulong ay pinangunahan Teodoro bilang chairperson ng Task Force El Nino (TFEN).
Ang EO 53 ay naging epektibo nitong Enero 19 kung saan umaaktong co-chairperson ng TFEN si Science and Technology Secretary Renato U. Solidum Jr. kasama rin sina Environment and Natural Resources Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., Health Secretary Teodoro J. Herbosa, at NEDA Secretary Arsenio M. Balisacan.
Base rin sa EO 53, binibigyan ng awtoridad ang Task Force El Niño na humingi ng tulong sa ibang tanggapan o ahensya ng pamahalaan para sa pagpapatupad ng kanilang mga programa, tungkulin at mga plano.
Sa nasabing pulong ay naglatag ng kani kanilang short, medium, and long-term interventions ang ibang ibang ahensiya ng gobyerno na kasali nasabing task group.
Sa ilalim ng Section 4 ng EO 53, magtatakda ng El Nino Online Platform para pagkalooban ang publiko ng relevant at timely information upang makatulong na makapagplano at makatugon sa kasagsagan ng El Nino.
Buko dito, magtatalaga rin ng isang dedicated spokesperson na siyang tutugon sa mga katanungan at pagpapakalat ng accurate information para sa pibliko.
“If necessary, President Ferdinand R. Marcos Jr. and all relevant stakeholders shall be informed of current and projected situations, and of the need for appropriate actions and interventions to mitigate and manage effectively the effects of El Nino,” ayon sa DND.
Una nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Task Force El Niño na bumuo ng online platform.
Ito’y bilang bahagi ng pinaigting na hakbang laban sa posibleng epekto ng El Niño.
Kaugnay nito, inatasan ni Pangulong Marcos Jr., ang Task Force El Niño na makipag-ugnayan sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para bumuo ng online platform na magsisilbing centralized database.
Ito’y para sa makukuhang datos at impormasyon may kaugnayan sa El Niño.magsisilbi rin itong suporta para sa magiging desisyon ng gobyerno. VERLIN RUIZ