BUMUO si Presidente Ferdinand Marcos Jr. ng isang inter-agency task force na tututok sa paghahanda para sa hosting ng bansa sa FIBA Basketball World Cup 2023.
Nilagdaan ni Marcos ang Administrative Order No. 5 nitong Lunes, March 27, na bumubuo sa task force na pamumunuan ng chairperson ng Philippine Sports Commission (PSC).
Nakasaad sa direktiba na ang task force ang mangangasiwa sa paghahanay at pag-uugnayan ng lahat ng government efforts sa mga plano ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) — ang national basketball association na kinikilala ng FIBA — at sa local organizing committee nito kaugnay sa nalalapit na global competition.
Bukod sa PSC chief, ang task force ay bubuuin din ng heads o designated representatives ng mga sumusunod na ahensiya at tanggapan: following agencies and offices: Department of Foreign Affairs, Department of Health, Department of the Interior and Local Government, Department of Public Works and Highways, Department of Tourism, Department of Transportation, Bureau of Customs, Bureau of Immigration, Philippine National Police, at Metropolitan Manila Development Authority.
Ang iba pang government agencies, offices at instrumentalities, kabilang ang state-owned or -controlled corporations, universities at colleges, ay inaatasang “to extend full support and assistance, consistent with their respective mandates to the PSC and SBP in the preparatory activities.”
“The successful organization and hosting of the FIBA Basketball World Cup 2023 requires the involvement, coordination, and support of all concerned government agencies, local government units (LGUs), and the private sector,” nakasaad sa kautusan.
Ang World Cup – na iho-host ng bansa kasama ang Japan at Indonesia – ay gaganapin sa Aug. 25-Sept. 10.
Ito ang ikalawang pagkakataon na iho-host ng Pilipinas ang international basketball tournament matapos ang 1978 edition.
Ikinatuwa naman ng PSC ang pagbuo ng Pangulo sa naturang task force.
“I humbly express my gratitude to President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. and our leaders in the Senate and Congress for their support in ensuring that the Philippines delivers the best World Cup hosting in history.
The PSC continues to commit its support and cooperation for the successful hosting of the Games, and to work hand-in-hand with the SBP and other vital agencies, with the ultimate objective of creating an amazing basketball environment that unites people and encourages them to ‘Win for All’,” pahayag ni PSC Chairman Richard E. Bachmann sa isang statement na ipinadala sa pamamagitan ng email.