INUDYUKAN ng provincial government ng Taal na buhayin ang Task Force Taal Lake sa gitna ng mga nakita sa pagsasaliksik ng International Union for the Conservation of Nature (IUCN), na nagdeklara na ang katutubong tawilis ay nanganganib na uri.
Ipinahayag ni Jennilyn S. Aguillera, Batangas public information office chief sa isang panayam kamakailan na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) 4-A (Calabarzon) at iba’t ibang kaanib ng Taal Lake ay kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa opisina ni Governor Hermilando Mandanas sa pagrerekomenda ng muling pagbuhay ng Task Force Taal Lake para maprotektahan at hindi mawala ang tawilis sa pamosong karagatan.
Sa naunang report, binalewala ni Mandanas ang IUCN report, at sinabing ang mahinang buwan ng tawilis ay mula sa No-byembre hanggang Pebrero. Ito ay panapanahon at ang buwan ng pangingitlog ay mula sa Marso hanggang Abril.
“It’s all out in the news that it is an endangered species. But it is not endangered, because it is seasonal. What we are trying to do now is to clean the Pansipit River as a continuing activity. So, this will ensure the flow of clean water,” sabi niya.
Ang 9-km. Pansipit River ay tumatawid sa mga bayan ng Agoncillo, Lemery, San Nicolas at Taal, kung saan ang orihinal na uri ng tawilis ay marami at sa basehan ng heograpiya ay siyang sanga ng ilog na dumadaan papuntang Balayan Bay.
Dagdag pa niya na ang inter-agency collaboration sa national, provincial at gobyernong lokal kasama ang mga asosasyon ng mga mangingisda at non-government organizations (NGOs), ay matagal nang nakikipag-ugnayan sa isa’t isa para matugunan ang isyu na nakaaapekto sa tawilis, na roon lamang matatagpuan sa Taal Lake.
Sinabi ni Elmer Bascos, Batangas Provincial Environment and Natural Resources Office chief, na ang kanilang opisina ay nakikipag-ugnayan sa Protected Area Management Board (PAMB) ng Taal Volcano Protected Landscape bago pa lumabas ang report ng IUCN.
Binigyang-diin ni Bascos na ang PAMB ay nakapagpasa na ng resolusyon na nagdedeklara ng “closed season” para sa pangingisda ng tawilis at ipatutupad na sa Marso hanggang Abril.
Idinagdag pa niya na ang DENR at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 4-A ay nagbalangkas na ng conservation area ng tawilis sa fishing grounds ng bayan ng Cuenca, San Nicolas, at Balete.
Mariin nilang inirekomenda ang close monitoring ng populasyon ng tawilis at ang level ng kalidad ng tubig sa volcanic lake. PNA
Comments are closed.