CAMP CRAME-TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na kanilang pananagutin ang mga promotor ng fake news gayundin ang hoarderssa gitna ng Luzon-wide Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Sinabi ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, PNP Deputy Chief for Operations na itinatag nila ang task force para humabol sa mga nagpapakalat ng fake news, hoarders at iba pang krimen.
Si Eleazar ay itinalaga ni PNP Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa bilang komander ng Joint Task Force Corona Virus Shield, at kahapon ay inilunsad ng PNP ang “Task Force Kontra Peke”, sa koordinasyon na din ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ang nasabing Task Force ay binuo para humabol sa mga indibiduwal o grupo na nagpapakalat ng mga pekeng balita gayundin ang mga hoarders at nagbebenta ng overpricing medical equipment katulad ng facemask, alcohol at sanitizers.
Matatandaang habang nakikipaglaban ang mga frontliners sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), marami namang mga fake news ang kumakalat dahilan upang mag-panic ang publiko.
Magugunitang itinanggi ni Gamboa ang kaliwat-kanang pagnanakaw sa mga kabahayan at commercial centers matapos na kumalat ito sa so-cial media.
Dahil din sa nasabing fake news ay itinaas ng PNP sa heightened alert at nagpakalt ng mga pulis sa supermarket at iba pang commercial es-tablishment upang masiguro na ligtas ang publiko s amga iligal na aktibidades. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.