TASK FORCE VS RICE HOARDING

Agriculture Secretary Emmanuel Piñol-3

BUMUO ang Department of Agriculture (DA) ng isang task force  na bibigyan ng mandato na tiyakin na walang hoarding ng bigas sa buong bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, iinspeksiyunin ng task force ang lahat ng bodega ng bigas para sa ebidensiya ng hoarding upang manipulahin ang presyo ng bigas.

Magugunitang isinisisi ng pamahalaan sa mga rice trader na nagtatago ng bigas ang pagsipa ng presyo ng ­pangunahing butil sa mga pamilihan.

Ang hakbang ng DA ay matapos na ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan ang National Food Authority (NFA), Philippine Coconut Authority (PCA), at ang Fertilizer and Pesticides Authority (FPA) sa hurisdiksiyon ng DA.

Anang kalihim, ang mga trader na mapatutunayang nagtatago ng bigas ay mahaharap sa kasong economic sabotage.