PASAY CITY – ISANG task force ang binuo ng Pasay City government laban sa mga tiwaling business establishments sa lungsod kabilang na rin ang mga bars at restaurants na magsasagawa ng pagsisiyasat upang masigurong hindi nalalabag ang kaukulang batas sa pangbuwis.
Ayon kay City Administrator Dennis Acorda ang task force laban sa mga tiwaling business establishments ay itinatag matapos na ang Chinese restaurant na Spicy of Hunan Inc. ay ipasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.
Ang naturang restaurant na matatagpuan sa sa Salamanca cornerEduque Street., Barangay Poblacion, Makati pati na rin ang mga sangay nito sa Bagtikan Street, Barangay San Antonio, Makati at sa PNB Financial Center, Diosdado Macapagal Boulevard, Pasay ay pinasara ng BIR kamakailan.
Napag-alaman na na hindi rehistrado ang mga cash registers ng naturang restaurant sa BIR kung kaya lumalabas na mahigit sa 30% ng kanilang benta ay hindi nadedeklara at nadadaya ng value added tax (VAT) kasama na ang income tax.
Sinabi ni Acorda na sisiguruhin ng task force na ang mga business establishments sa Pasay City ay hindi lalabagsa City Ordinance 1614 ng lungsod 1614 o maskilala bilang Revenue Code ng Pasay City.
Nagbabala rin si Acorda na ang mahuhuli ay ipasasara ang kanilang negosyo. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.