HANGGANG Mayo pa ang assistance programs ng pamahalaan para sa mga naapektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa Department of Finance (DOF).
Sinabi ni Finance Assistant Secretary Antonio ‘Tony’ Lambino II na ang tulong ng gobyerno ay tatagal pa kahit matapos ang Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ) sa Abril 30.
“‘Yung atin pong disenyo ng ating mga programa ay mas mahaba kaysa dun sa unang announcement ng enhanced community quarantine,” wika ni Lambino sa Laging Handa virtual briefing.
“May extension na nga tayo up to the end of the month, but we were able to put together programs na hanggang Mayo na po, so talagang we were keeping ahead of the curve,” dagdag pa niya.
Ang ECQ sa buong Luzon ay pinalawig sa Abril 30 mula Abril 13.
Nauna nang sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na target ng pamahalaan na makalikom ng $23 billion o P1.17 trillion para palakasin ang pakikipaglaban ng bansa sa COVID-19.
Comments are closed.