IPINANGAKO ni Senator-elect Bong Go sa mga overseas Filipino worker sa bansang Japan na serbisyong ‘Tatak Duterte” na may malasakit at pagmamahal sa kapwa, lalo na sa mga OFW ang isa sa kanyang pagtutuunan ng pansin, pag-upo nito sa Senado.
Ayon kay Sen. Go, agad niyang tutuparin ang kanyang pangako noong kampanya na magtatag siya ng Department of Overseas Filipino Workers (DOFW).
Sa ilalim ng serbisyong Tatak Duterte, mapadadali na ang pagpasok at paglabas ng bansa ng mga OFW na walang haharang sa kanila mula sa customs at immigration.
Kung nagbabakasyon naman sa Filipinas at nagkasakit ang isang OFW ay madali nang maka-avail ng medical attention sa pamamagitan ng Malasakit Centers.
Ani Go, nararapat lamang na alagaan ang mga OFW dahil milyon-milyong dolyar ang ipinapadala nila sa bansa na malaking tulong para sumigla ang ating ekonomiya.
Payo ni Sen. Go na lumapit lamang sa kanya, anumang oras ay magiging bukas ang kanyang tanggapan sa Senado para sa kanilang hinaing, reklamo, o problema.
Taos-pusong nagpapasalamat si Go sa mga OFW sa buong mundo dahil sa pagboto sa kanya at mga kasamahan sa PDP at Hugpong ng Pagbabago.
Comments are closed.