TATAMAAN NG EL NIÑO DODOBLE

EL NIÑO

POSIBLENG dumoble pa ang bilang ng mga lalawigang makararanas ng matinding init bunsod ng El Niño phenomenon.

Ayon kay Pagasa Climate Monitoring Chief Analiza Solis, sa kasalukuyan ay limang probinsiya na ang nakararanas ng tagtuyot simula pa nitong Pebrero.

Kabilang dito ang Ilocos Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Maguindanao at Cebu.

Habang inaasahan na rin ng Pagasa na maaapektuhan na ng matinding tagtuyot ang Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Ilocos Sur at La Union ngayong buwan.

Dagdag ni Solis, posibleng dumami pa ang mga lalawigang makararanas ng ma­tinding init pagsapit ng Abril.            DWIZ882

 

Comments are closed.