TATAY NA SI JAPETH

on the spot- pilipino mirror

CONGRATULATIONS kay Japeth Aguilar! Ilang buwan na lang ang hihintayin niya  ay  lalabas na ang kanyang panganay na anak sa kanyang Fil-Korean wife na si Cassandra.

Almost 20 weeks na ang ipinagbubuntis ni Mrs. Aguilar. Kaya pala very inspired ang 6’6 player ng Brgy Ginebra ay dahil  tatay na ito.

Hindi lamang si Japeth ang excited sa pagdating ng kanyang anak kundi ang kanyang mga magulang na sina Peter Aguilar ( dating Ginebra player) at Jo. Dalawa lamang magkapatid ang tubong Pampanga. Ang bunsong kapatid na babae  ay kasalukuyang  nasa ibang bansa. Siguradobg maganda o guwapo ang magiging baby nila ni Cassandra dahil may pinagmanahan.

vvv

Panay basketball player ang mamumuno sa San Juan City kung saan ang kanilang mayor na si Francis Zamora ay dating naglaro sa PBA. Sina Don Allado at Paul Artadi ay kapwa councilor. Kung papalarin ay makakasama na rin nila si James Yap ng Rain or Shine na nag-file na rin ng certificate of candidacy para sa pagka-councilor. Siguradong busog sa sports ang bayan ng San Juan. Sana ay huwag papogi points lang ang gawin ng ating mga  basketball player  kapag sIla ay nanalo sa May 2022 elections  kundi tulangan ang ating mga kababayang nangangailangan ng kanilang serbisyo  diyan sa  San Juan. Good luck po sa inyo.

vvv

Naiuwi ng Magnolia Hotshots ang ikalawang sunod na panalo kaya 2-0  na ang tropa ni coach Chito Victolero. Bagama’t nagkaitlogan sina Calvin Abueva  at Cliff Hodge ng Meralco ay buti na lang at bato-bato si ‘The Beast’ na mukhang hindi gaanong nasaktan.

Pero si Hodge ay parang ininda ‘yung sakit.

Dalawang panalo na lang ang kailangan ng Hotshots. Marami ang nagsasabi na posibleng ang magharap sa championship ay ang TNT at Magnolia.

Ngunit nakaisa ang San Miguel  sa Tropang Giga kung saan mula sa ilalim ay nakalusot at naipasok ni Marcio Lassiter ang game winning basket.

Sadyang bilog ang bola, sinuwerte ang Beermen. May tig-isa nang panalo ang SMB at TNT.

7 thoughts on “TATAY NA SI JAPETH”

  1. 222950 976625An attention-grabbing dialogue is worth comment. I feel that its very best to write extra on this subject, it wont be a taboo topic however usually individuals are not sufficient to speak on such topics. Towards the next. Cheers 167429

  2. 407019 203361Most beneficial gentleman speeches and toasts are created to enliven supply accolade up to the wedding couple. Newbie audio system the attention of loud crowds should always consider typically the great norm off presentation, which is their private. very best man speaches 613104

Comments are closed.