Tatay ni Arjo nanghihingi ng apo

NAIINIP na ang tatay ni Arjo Atayde na si Art Atayde, na makita ang kanyang magiging apo kay Maine Mendoza. Hindi nakatiis si father-in-law na hindi ito banggitin ito sa kanyang surprise birthday greeting noong March 2, sa kanyang birthday episode sa TV5 noontime show Eat Bulaga!.

Sa kanyang mensahe, pabirong sinabi ni daddy Art kay Maine na: “Tumatanda ka na. So, where’s the baby? Ano ba ang ginagawa ninyo ni Arjo?”

Sa dinami-rami ng greetings na natanggap ni Maine noong araw na iyon, ang greeting talaga ni Daddy Art ang pinaka-controversial. Not to mention na nag-surprise appearance din ang kanyang asawang si Arjo.

Mukhang love naman talaga ng pamilya Atayde si Maine dahil lahat sila, pati na si Sylvia Sanchez, Ria Atayde at Gelay Atayde, bumati rin. At lahat sila, naghihintay talaga sa “little one.”

Natawa na lang si Maine sa mga pasaring, pero ang sagot niya, “Don’t worry, coming soon.” NLVN