TATAY TIKLO SA PANGHAHALAY

rape

BULACAN-DINAKIP ang isang ama makaraang gawin nitong sex slave sa nakalipas na dalawang taon ang kanyang sampung taong gulang na anak na babae tuwing maiiwan ito sa kanilang bahay sa Barangay Graceville,City of San Jose del Monte(CSJDM) sa lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ni P/Col.Lawrence B. Cajipe,Bulacan police director,ang naarestong suspek na si Charlie Rosales,46-anyos,may-asawa at nakatira sa Barangay Graceville makaraang ireklamo ng kanyang sariling anak na itinago sa pangalang Neneng.

Base sa imbestigasyon , sinabi ni P/Major Julius Alvaro,Chief of Police ng CSJDM police station na huling naganap ang panghahalay ng suspek noong Linggo dakong ala-5 ng hapon nang muling maiwan ang biktima sa bahay dahil umalis ang kanyang ina at ang nakatatandang kapatid na lalaki.

Nahaharap ngayon sa kasong Violation of RA 8353(Incestuous Rape)ang suspek. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.