TATLONG drug personalities ang nadakip sa isinagawang paglalansag sa isang drug den sa Mandaluyong City ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA.)
Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Vergilio Lazo, sinalakay ng mga operatiba ng PDEA -NCR Eastern District ang isang drug den sa Brgy. Addition Hills sa lungsod ng Mandaluyong matapos na magpositibo ang kanilang intelligence gathering sa lugar.
Bukod sa dismantling operation ay nadakip din sina Lucita Dizon, alyas Lucy umanoy drug den maintainer; Jerry Canonigo at Maricris Gonzales alyas Marci.
Ayon sa ulat, alas,-10 kahapon ng umaga nang ikasa ng PDEA ang buy-bust operation sa no.75 blk 37, Singkamas St., Brgy Addition Hills na nagresulta sa pagkakadakip ng tatlo.
Kabilang sa mga nakumpiska ang buy-bust money, iba’t ibang drug paraphernalia at mahigit 20.5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng p139,400.00
Pawang nahaharap sa kasong paglabag sa article ii ng ra.9165 ang mga drug suspect.
ELMA MORALES/ VERLIN RUIZ