TATLONG BAYAN SA CAVITE GINAWARAN NG SIPS STATUS

CAVITE – NAGING matagumpay ang layunin ng pamahalaan na tungo sa mas mapayapang pamayanan matapos makamit ng tatlong bayan sa Ca­vite ang inaasam na Stable Internal Peace and Security (SIPS) Status mula sa Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF ELCAC).

Sa magkakasunod na araw ay lumagda ang mga bayan ng Amadeo, Rosario at Alfonso ng Memorandum of Understanding (MOU) katuwang ang 202nd Unifier Brigade ng Phi­lippine Army.

Pinangunahan nina  Col. Ronald Jess S. Alcudia, Commander ng Task Force UGNAY at Major Artemio J. Alosada, Director ng 402nd Civil Defense Command, 4th Regional Community Defense Group, Reserve Command ang deklarasyon ng SIPS status at MOU signing.

Ayon sa 202nd Brigade, binibigyang pansin ng nito ang pagsusumikap ng lalawigan ng masiguro ang kapayapaan sa lahat ng bayan at lungsod dito.

Matatandaang ang Cavite ang unang lalawigan sa buong bansa na ginawaran ng SIPS status noong Disyembre 14, 2018.

SID SAMANIEGO