KABILANG sa tinitingnang anggulo o motibo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, BGen. Debold Sinas sa pagpatay kay Talitay, Maguindanao Mayor Abdul Wahab Sabal ay rido o away ng angkan.
Tiniyak naman ni Sinas na bumuo na ng special investigation task group (SITG) ang Manila Police District (MPD) hinggil sa insidente.
Bukod sa clanwar, maaari rin aniyang may kinalaman sa politika at ilegal na droga ang pagpaslang kay Sabal sa Maynila kamakailan.
Si Sabal ay kabilang sa narco-politicians na nasa listahan ng drug watchlist ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Inakusahan din si Sabal na sangkot sa 2016 Davao City bombing.
Aminado naman si Sinas na wala pang Person of Interest ang NCRPO hinggil sa nasabing kaso.
Sinabi ni Sinas na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa pamilya ni Mayor Sabal upang maresolba ang kaso nito.
Si Sabal ay tinambangan pagbaba ng sasakyan sa isang hotel sa Maynila. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM