QUEZON – ISANG tattoo artist ang pinagbabaril nang hindi pa nakikilalang saralin habang nasa balkonahe ng kanilang bahay sa Brgy. Malabanban Norte, Candelaria.
Kinilala ang biktima na si Herson Gamilla, 44-anyos, at dati na umanong nakulong dahil sa droga.
Batay sa blotter ng Candelaria Police, alas-9 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa biktima.
Wala pang lead ang pulisya hinggil sa pagpaslang sa biktima. BONG RIVERA
Comments are closed.