SINABI ni Pedro Chirino sa Relación de las Islas Filipinas (1604), na ang mga tattoos ay simbulo ng pagkakakilanlan ng tribo at dugo, gayundin ng katapangan, kagandahan, at social or wealth status.
Nagsimula ang paglalagay ng tattoo sa Pilipinas noong bago dumating ang mga Kastila, at naging laganap noong ika-16 na siglo. Tinatawag itong batok o fatek, bunik, tatak, batek o patik ng mga Ilocano, na ang nagsasagawa ay ang mga mahuhusay na tattoo practitioner o mambabatok.
Nambabatok silagamit ang kanilang mga kamay (hand-tapping) na ang pangkulay ay dagta ng mga halaman, gamit din ang buto o kahoy na panusok.
Maraming dahilan kaya nilalagyan ng tattoo ang isang tao noong unang panahon. Isa na doon ang kanilang paniniwalang pangrelihiyon. Pwede ring proteksyon o pinagmumulan ng kapangyarihan, o membership sa isang grupo. Pwede ring status symbol, artistic expression, at sa kasalukuyang panahon, permanent cosmetics tulad ng lip at eyebrow tattoo, o kaya naman, reconstructive surgery.
Traditionally, ang tattoo sa Pilipinas ay prominente sa mga tribo. Tatak ito ng katapangan. Mas maraming tattoo, mas matapang. Dito rin nakikita ang kanilang ranggo bilang madirigma. Sa ating kultura, ang pinakamahalagang significance nito ay ang pagiging proteksyon laban sa masasamanag Espiritu.
Isa itong buhay na tradisyon ng mga Filipino lalo na sa bulubunduking bahagi ng Norte. Sa Kalinga tribe, patuloy pa rin ang napakatagal nang practice ng “batok” (hand-tapped tattooing). Para sa kanila, ang tattoo ay ritwal ng pagtungo sa kabilang buhay.
Dito nakilala ang sikat na sikat na mambabatok hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo, si Apo Whang-Od, ang 107 years old na babaing taga-Kalinga. Pinagdarayo siya ng lahat, Filipino man o foreigner dahil sa angkin niyang galing.
Kamakailan, nakatanggap si Apo Whang-Od ng Presidential Medal of Merit dahil sa pagkakaroon ng “international awareness of our country’s rich cultural heritage,” tatlong araw bago ang kanyang 107th birthday.
Ang Presidential Medal of Merit ay karangalang iginagawad sa mga taong nakagawa ng exceptional contributions sa bansa. Sa seremmonya, binigyang diin ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si Whang-Od ay “pioneer in shattering gender stereotypes, venturing into tattooing when it was just a man’s exclusive preserve.” Isa siyang maalamat na Filipina artist mula sa probinsya ng
Kalinga na kinilala sa buong mundo dahil sa kanyang tradisyunal na pambabatok o pagta-tattoo.
Nagsimula siyang magbatok noong 15 years old lamang siya. Hangga ngayon, patuloy pa rin siya sa pagbabatok. Noong 2018, pinarangalan siya bilang Dangal ng Haraya ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
Kung malalagyan ka ng tattoo ni Apo Whang-Od, isa itong unique cultural experience na sa Pilipinas mo lamang mararanasan. Hindi lahat ay sinuswerteng malagyan ng tattoo ni Apo Whang-Od, dahil bago ito mangyari, pipila ka muna ng mahaba sa harapan ng kanyang bahay sa Buscalan village, at kailangan mog maghintay ng dalawa hanggang tatlong araw. Kung hindi ka makahintay, wala kang tattoo.
Bago ka makarating sa Buscalan, Kalinga, kinakailangan mong magbiyahe ng 12-14 oras sa bus patungong Bontoc. May Victory Liner sa Manila at Coda Lines sa Cubao na pwedeng pagpilian, pero pareho lang ang oras ng biyahe.
Kung nagmamadali ka, pwedeng mag-eroplano hanggang Tuguegarao International Airport, at mula doon, sumakay na lang sa bus o van papuntang Bontoc at motorcycle naman patungong Buscalan.
Pwedeng magpasama sa guide na babayaran ng P1,000 per day para sa limang tao.
Ihanda ang sarili sa paglalakad ng humigit-kumulang sa isang oras. Magdala ng pagkain at tubig dahil walang restaurant sa Buscalan.
Sulit kapag nakarating ka na sa Buscalan. Mura lang ang tattoo ni Apo Whang-Od, na P300 plus bibili ka rin ng pambatok na P200 ang presyo.
Noong unanag panahon, kilala ang mga taga-Kalinga sa pamumugot ng ulo, at ipinagmamalaki nila iyon. Bawat tattoo sa katawan ay nangangahulugan ng bilang ng naputol na ulo ng isang mandirigma, babae man siya o lalaki.
May risk din naman sa pagpapa-tattoo. Una, nasusugatan ang balat sa tattoo kaya pwedeng magkaroon ng impeksyon, kumplikasyon at allergic reaction. May tinta ang tattoo, na ang gamit ay dagta ng halaman.
Kabayanihan ang kahulugan ng tattoo sa mga taga-Kalinga, ngunit ayon sa Biblia, ipinagbabawal ang pagta-tattoo. Batay sa Leviticus 19:28, “You shall not make gashes in your flesh for the dead, or incise any marks on yourselves.” Historically, ang tattoo ay isang pagam practice.
Ang pinakapopular na berso sa paglalagay ng tattoo ay mababasa sa John 3:16 (“For God so loved the world that he gave his only Son”), Philippians 4:13 (“I can do all things through Christ who strengthens me”), Proverbs 3:5-6 (“Trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding”), and Isaiah 41:10
Sa mga Kristiyanismo, ipinagbabawal ang pagta-tattoo sahil ayon sa Leviticus 19:28—”Ye shall not make any cuttings in your flesh for the dead, nor print any marks upon you.”
Hindi natin kinukundena ang tattoo, lalo na ang pagiging mambabatok ni Apo Whang-Od. Sinasabi lamang natin ang mga pagpipilian. Ano ang gusto mo, maging mabuting Kristiyano, o magkaroon ng makasaysayang tattoo na ginuhit ng isang makasaysayang mambabatok. NLVN