SINAMPAHAN ang isang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ng kasong Slander by Deed at Unjust Vexation sa Pasay City Prosecution Office ng tatlong tauhan ng Airport Police Department (APD) dahil sa hindi pagkakaunawaan sa trapiko.
Kinilala ni APD chief Col. Adrian Tecson ang suspek na si Oidor Fiesta y Custodio na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang augmentation force habang ang bansa ay nasa ilalim ng pandemya.
Ayon kay Tecson ,nangyari ang insidente bandang alas-10:00 noong Biyernes ng umaga nang biglang harangin ng suspek ang sinasakyan mobile car kung saan lulan ang tatlong airport police sa Baltao St. malapit sa NAIA Terminal 2.
Pinagduduro ng suspek sina APO1’s Gilbert Banada, Stephen Sitoy at Edward Serafico kung saan nagbitiw pa ito ng masasamang salita.
Ayon pa kay Tecson, nag-ugat ang gusot sa pagitan ng kanyang mga tauhan at suspek nang muntik mabangga ang isang motorbike na biglang sumulpot bago makalabas ang kanilang mobile car sa may kanto ng MIA road at Baltao St.
At matapos ang usapan sa pagitang ng kanyang mga tauhan at sakay ng motorbike, biglang hinarang nitong suspek ang kanilang mobile car at pinagsabihan silang reckless driver bukod pa tinuran nito na hindi naman tunay na mga pulis ang tatlong biktima.
Nauna rito, noong Disyembre ng nakaraang taon inireklamo rin ni Customs Deputy Collector Atty. Lourdes Mangaoang si Fiesta dahil sa pakikialam sa trabaho ng Bureau of Customs sa NAIA Terminal 2.
Sa reklamo ni Atty. Mangaong kay Admiral George Ursabi Jr., turuan ang mga tauhan ng PCG sa kanilang mga tungkulin dahil hindi dapat pakialaman ang trabaho ng BOC sa airport. FROILAN MORALLOS
57697 60299Hey. Neat post. There is a issue together with your site in firefox, and you may want to check this The browser will be the market chief and a large component of other folks will omit your excellent writing because of this dilemma. 485224
440312 860589Youre so cool! I dont suppose Ive learn anything like this before. So good to locate any person with some authentic thoughts on this subject. realy thank you for starting this up. this internet site is something that is wanted on the internet, someone with slightly bit originality. useful job for bringing something new to the web! 860697