TAUHAN NI ELEAZAR ITINUMBA

itinumba

SAN JUAN CITY – PATAY ang isang police officer na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na pinamunuan ni Director Guillermo Eleazar  matapos na pagbabarilin ng motorcycle-ri­ding gunmen sa EDSA- Connecti-cut.

Kinilala ni  Col. Florendo Quibuyen, deputy director for administration of the Eastern Police District (EPD) ang pulis na si Police Senior Master Sergeant Solomon Cugay, na agad na nasawi matapos na magtamo ng ilang tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.

Ayon kay Quibuyen, sakay ng kanyang Yamaha scooter sa may southbound lane ng EDSA nang biglang lapitan ng nakamotorsiklong suspek at pagbabarilin mga dakong alas-3:30 ng hapon kahapon. Nakuha sa crime scene ang siyam na empty shells mula sa caliber .45 pistol.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP sa krimen habang nagdulot naman ito ng pagsikip ng daloy ng mga sasakyan sa south bound lane ng EDSA. REA SARMIENTO

Comments are closed.