ANG positibong trust rating ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ay pagpapakita lang na may tiwala ang taumbayan sa Senado.
Ito ang inihayag ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na naniwala na “steady, sober leadership of the Senate” ang dahilan kung bakit nakakuha si Zubiri ng mataas na trust rating.
“Because of this, the Senate President enjoys not only the trust of our people, but the trust of the members of the Senate,” sabi ni Villanueva.
Sa bagong Pulse Asia survey, 53 porsiyento ng mga respondent ay nagsabing may tiwala sila kay Zubiri bilang pinuno ng Senado.
Ang survey na isinagawa mula Marso 6 hanggang Marso 10 ng taong ito, ay dalawang porsiyentong pagtaas sa trust rating ni Zubiri mula sa 51% nakuha nito sa isinagawang survey ng Pulse Asia noong Disyembre 2023.
Nakaiskor ng malaki si Zubiri sa Mindanao kung saan nakatanggap ito ng 69% trust rating, mataas na 11% mula sa 58% na nakuha nito sa nakaraang Pulse Asia survey.
“The Pulse Asia survey is very telling, as the results give us an idea of who our people trust among our leaders, who our constituents believe is really credible,” ayon kay Villanueva.
Samantala, nakapagtala ng 57% positive trust rating si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr at 71% naman kay Vice President Sara Duterte.
Nakakuha rin ng mataas na positive approval ratings ang tatlong opisyal kung saan nakapagtala ng 55% si Marcos, 67% kay Duterte at 52% naman kay Zubiri.
“The timing of the survey also validates the approach the Senate has taken with regard to different issues, particularly the Charter change,” ani Villanueva.
“Despite the politically-charged and sometimes acrimonious discussions on Constitutional amendments, Senate President Zubiri has led the way by consistently taking the high road, and we believe the Filipino people appreciate this,” dagdag pa ng majority leader.
VICKY CERVALES