Happy ang shopping spree kapag alam mo ang Tawad Talks
PAYAMAN MINDSET ni Eunice Calma Celario
ISANG talent ang mahusay tumawad o humiling na pababain ang presyong type na bilhin sa tiyangge, palengke at saab mang pamilihan.
Sa mga shopaholic, kabisado na ang teknik na ito at kanila itong pinag-aaralan kung paano e-execute.
Doon naman sa mga nahihiyang tumawad dahil takot na ma-judge ngbtindera, naku huwag po ninyong ikahiya.
Alam ng mga tindera at nauunawaan nila ang iyong pagtawad.
Sa araw-araw na may nakakasalumuha silang shopper, bahagi lang ng negosasyon ng kanilang trabaho.
Kaya, challenge din sa kanila ang pakikipagtawaran.
Pero alam n’yo ba na kapag Tawad Talks ang pinag-uusapan, hindi lang ito nagaganap sa Divisoria, Baclaran, Taytay, Baguio, Cebu at Zamboamga City kung saan dinarayo ngga shopper?
Maging sa ibang bansa rin gaya sa Hong Kong partikular sa Mongkook gayunin din sa Hanoi, Vietnam.
Kaya masasabing pahusayabg estilo ang shopper at tindera dahil kung sino amg unang bibigay sa pagtawad.
May tindera na dadaanin ka sa sigaw at sungit para hindi ka makatawad.
Mayroon namang sobrang sweet at may pa-freebies pa.
Subalit dahil kailangang ikaw ang magwagi sa Tawad Talks, narito ang tips.
- Kapag sinabi sa iyo ang presyo, agad mong tawaran ng 50 percent.
- Tantiyahin ang reaksyon ng tindera at kung hindi naman gaanong nagsungit at tumanggi, 35 percent na tawad.
- Huwag mong ipahalata na gustong-gusto mo.ang product kaya huwag mong hawakan.
- Kapag pina-try niya sa iyo, saka mo lang ito hawakan at pursigihin ang iyong tawad. Sa pagkakataong iyon, sinusubukan ka niya na magugustuhan mo amg produkto at bibilhin mo, dapat ganoon ka rin.
- Kung mayroon ka pang nais bilhin sa iisang store at ayaw pumayag sa tawad mo, pang come on mo na dapat bawasan presyo kasi dalawa tatlo ang bibilhin mo.
- Maagang mamili, madaling kausap ang mga tindera kung ikaw ang unang shopper.
- Kung mamimili sa ibang lugar, siguraduhin mo na may kasama kang tagaroon upang makatawad nang todo. Kadalasan, kapag turista alam nila na hindi ka makakatawad.
- Kapag nakipag-usap, iparamdam sa tindera na suki ka o soon to be suki para makahirit ng tawad
Take note: Huwag kang tatawad sa mga mall, grocery at boutique na may designated price o gumagamit ng POS (point of sale system), hindi ka magwawagi.